TAO PO:
Ang Ikapitong
Buhay ni Agustin Bulawan
nobela ni Arnold SaƱo Galicia
PROLOGO – KUWENTONG KUTSERO
“Nasa likod
lang sila ng parola,”
bulong ng kasamang sundalo ni Toshiro. Tinitigan niya ang kasamahan. Tiningnan
niya rin ang mga bihag nila: matatanda, may mga sakit, at karamihan ay mga
paslit pa. May binabalak na malaki ang mga kasamahan niya. At alam niyang ayaw
man ng mga Pilipinong ito, bahagi sila ng plano ng kanilang grupo.
“Hindi tayo maaaring sumugod, Ide.
Nasa Candawid pa si Heneral Mifune. Huwag muna ngayon.”
“Bakero! Ano ka ba,
Toshiro? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng tiktik natin? Mas marami sa bilang
natin ang mga Amerikanong nasa loob niyan! Habang tulog pa sila at hindi handa,
dapat, may ginagawa na tayo! Sampung
hagisan lang ng granada sa tuktok at pasukan ng parola, puwede na tayong
sumugod. Bayonetahin na lang natin isa-isa itong mga taong ‘pinapaligpit na sa
atin, wala na tayong problema!”