Tuesday, July 31, 2012

UNANG BAHAGI - IDENTITY - KABANATA 2



TAO PO:
Ang Ikapitong Buhay ni Agustin Bulawan
nobela ni Arnold Saño Galicia


UNANG BAHAGI - IDENTITY


2




Nasabi ko na ba sa 'yong naiinggit ako sa 'yo, Agong? Hindi pa nga yata, ‘no?
            Kung tatanungin mo kasi ako, isasagot ko agad na ‘Oo, wala pa akong balak na hanapin ang sarili ko, Agong.’ Baka meron na, baka wala pa. Baka meron na dahil, sabi mo nga, masipag akong mag-aral at lagi akong inaasar ng guro natin sa Agham na maurirat daw ako at para akong batang kulang na lang ay itanong kung bilog ba ang daigdig. Tapos, matatawa kang sumasang-ayon at maaasar ako sa ‘yo.
            "Ewan ko sa 'yo," sabay hahagalpak ka 'pag nakikita mong asar na asar na akong tinatawag na bata at namumula ang mapuputi kong mga tainga. “Para ka talagang bata.” Mapapatingin naman akong saglit sa mahahaba mong mga pilik-mata.
            "’Di mo naman ako inuunawa, e!"

Monday, July 23, 2012

UNANG BAHAGI - IDENTITY: KABANATA 1

TAO PO:
Ang Ikapitong Buhay ni Agustin Bulawan
nobela ni Arnold Saño Galicia


UNANG BAHAGI - IDENTITY


1


Nagsimula ang lahat nang si Makisig, sikat na aktor na hinahangaan ng maraming kababaihang inamin ang kanyang pagiging bakla noong huling bahagi ng dekada nobenta, ay isinawalat sa palatuntunang pantelebisyong ‘Sa Likod ng Tabing’ ng Bagong Namayan Broadcasting System 3 ang kanyang pagsisisi sa pagpapakasal niya sa bituin ng Hollywood na si James Dane Green.
            Sunud-sunod na malalaking pangyayari sa buong Kamaynilaan ang naganap sa unang limang buwan pa lang ng 2009. Hindi mahulugang-karayom ang mga daan mula Lungsod-Pasay hanggang Lungsod-Quezon dahil sa daang libong mga taong nagmula pa sa iba't-ibang panig ng Bagong Namayan. Puno man ng alikabok ang mga daraanan at nakasusunog man ng balat ang sobrang init ng araw ng Mayo, nagsipaglakad pa rin ang mga itong galit na galit sa kahabaan ng Lansangan-54 habang may bitbit na malalaking mga watawat at plakard na panay nagsasabing: "Walang Ginawang Bakla ang Maykapal!" at "Ang Pag-ibig ay Para sa Mga Lalaki at Babae Lamang!"

Monday, July 16, 2012

About ArjDalumat

Arnold John S. Galicia used to write editorial, news, and feature articles for The Sebastinian, San Sebastian College-Recoletos' official student publication while submitting his poems and short fiction to Lumad, the school's official literary anthology which he edited for two consecutive years. He is a member of the Cavite Young Writers Association and was an associate member of the Writers Union of the Philippines or UMPIL. He also attended poetry clinics such as the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo under Ophelia O. Dimalanta and National Artist for Literature Virgilio S. Almario. Aside from surfing the Net, he is fond of cooking adobo, sinigang, paksiw, spaghetti, and tinola while reading classic novels. But he likes eating ice cream and cakes more.
Arnold often remembers his dreams. He believes in the unexplained. Utterly superstitious, he believes in Karma.

His nicknames are Arjay, Arn, Nold, Arn-arn, and Adjong

You can follow him on Twitter here: http://twitter.com/#!/arjdalumat